Sorry I Have to Blog This!

Nakakainis lang kasi talaga! Hmmmp.
Last Wednesday, nagpunta kami sa mall ng bez ko.
Wala lang, window shopping...
Ansaya saya ng mood ko nun until mapadaan kami sa tindahan ng cellphone.
I really wanted to buy a new fone, so nag inquire ako sa salesman na andun.

me: "kuya magkano po yung nokia C5-03 nyo?"
sya: "wala kaming ganun e."
me: " oww... ayun po sa stand nyo may nakadisplay oh..."
sya: "ah display lang yun pero wala kami dito nun."
me: "pero magkano po ba yung ganun?" 
sya: "17k"
me: "kamahal naman...sa kabilang mall po kasi 9k lang e."
sya: "e ibang version yun..."
me: "nokia C5-03 po kuya yung nirelease last 2010"
sya: "e iba nga yun..."

okay fine...

Tinignan ko yung brochure nila then saw there yung nokia C5-03. PRICE: 9,600php

me: "kuya eto po pala oh, 9,600php lang... Sabi nyo po 17k"
sya: "ibang version nga yun."
me: "ahh.. nasan po ba dito sa brochure yung sinasabi nyo?"
sya: "e wala dyan yun!. Bakit, di ka ba naniniwala saken?"
I smiled then said (note: i was just joking here), "hindi po....."

Gulat pa ko when he said, "E wag ka na nagtatanong kung di ka naniniwala!"

I didn't know what to say then.

The whole world heard what he said!

Okay. Di nako kumibo. Hiningi ko nalang yung brochure nila then left the store.

Outside the store, tinanong nung bez ko kung san ko kinuha yung brochure. Sabi ko dun sa loob. Hihingi din daw sya. So pumasok sya dun sa loob then I just waited outside. Baka kasi masabunutan ko pa yung tinderong yun e!

Pagbalik ni bez, sabi daw ng ibang customers sa salesman sa loob, "hala ka binalikan ka nung kasama."
Alam nyo ba kung anu sagot nung salesman??? "Bakit ako malalagot? Ba't kasi magtatanong sya tapos di maniniwala. Edi sana di na sya nagtanong. Sabihin mo nga miss sa kasama mo wag na sya magtatanong saken kung di sya maniniwala."

Kagaling.

Ganun ba dapat ang attitude ng isang salesman??? EWAN.

I searched the net kung talaga bang may ibang version ang Nokia C5-03.

Ang resulta? WALA.

See for yourself HERE. Dalawa lang ang Nokia C5.  

Nokia C5-00

 at eto,

Nokia C5-03

Photo Credit 

Kung anu man yung sinasabi nyang iba pang version, ewan ko sakanya.

Bottom line ng kabwisiting post na'to, 

PA'NO KA MANINIWALA SA ISANG BAGAY NA HINDI KAPANI-PANIWALA? LALO PA KUNG WALANG EBIDENSYANG MAIPAKITA?

O baka nagkakamali lang ako?

Enlighten me please!

kamuka nya to oh:

~JOKE LANG~

Like our posts? Don't miss out on the latest updates! Subscribe via email:

Delivered by FeedBurner

Related Topics:

2 lovely comments Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ:

  1. dalawa lng ang version nun hahaha

    nyeta s akin makaktikim yan joke... pagsasabihan ko lng yun naku naku hahaha nakakhigh blood nga yan

    ReplyDelete
  2. super nakakabwisit kuya.... hmp.

    kung ayaw nya ng natatanong edi wag sya sa ganun magtrabaho. hahaha

    XD

    ...saka di naman masama aminin minsan na di natin alam ang isang bagay. kesa nag iimbento! hehe...

    ReplyDelete

 
TOP